IMEE: Buwanang Sustento Para Sa Mga Magsasaka At Mangingisda


(MENAFN- EIN Presswire) PHILIPPINES, October 20 - Press Release
October 19, 2024

IMEE: Buwanang sustento para sa mga magsasaka at mangingisda

Kamakailan ay inihain ni Senadora Imee R. Marcos ang Senate Bill No. 2851 na naglalayong magbigay ng direktang tulong na sahod sa mga magsasaka at mangingisda upang masigurong hindi sila lalayo sa agrikultura at patuloy na makapaghanapbuhay. Layunin ng panukalang batas na magbigay sa kanila ng buwanang kita para masigurong magpapatuloy ang kanilang produksyon ng pagkain.

Batay sa 2023 Official Poverty Statistics, may 17.54 milyong Pilipino ang nasa ilalim ng poverty line at nabubuhay lamang sa mas mababa sa P91.07 kada araw. Bilang tugon, isinusulong ni Marcos ang taunang income transfer program para sa mga masisipag ngunit kapos-palad na magsasaka at mangingisda.

Habang hindi pa naipapasa ang panukalang batas, maaari munang magsimula sa 100,000 magsasaka sa unang taon na tatanggap ang bawat benepisyaryo ng P2,500 kada buwan o P30,000 sa loob ng isang taon na mangangailangan ng pondong P3 bilyon. Sa ikatlong taon, palalawakin ito sa 500,000 benepisyaryo na may kabuuang pondong P15 bilyon.

"Hindi na ito pansamantalang ayuda, kundi pangmatagalang suporta para matiyak na mananatili ang ating mga magsasaka at mangingisda sa agrikultura," sabi ni Marcos. "Ito ay pagkilala at paggalang sa kanilang pagsisikap para mapakain tayo."

Uunahin ng programa ang 30 pangunahing probinsyang nagtatanim ng palay at ilang mahahalagang baybayin tulad ng Cebu, Palawan, Iloilo, at Zamboanga upang matiyak na maaabot ang mga higit na nangangailangan.

Iminungkahi rin ni Marcos na ang pondo ng programa ay magmumula sa bahagi ng P310.63 bilyong inilaan para sa mga social protection programs sa 2025 National Expenditure Program (NEP).

"Kung mayroon tayong pondo para sa mga ayuda, nararapat lang na maglaan tayo para sa pangmatagalang sustento sa ating mga magsasaka," dagdag ni Marcos.

Pinaalala rin niya na ang pagpapaunlad ng agrikultura ay mahalaga para sa seguridad sa pagkain, at ang unang hakbang ay ang pagsuporta sa mga nag-aani ng pagkain para sa bansa.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

MENAFN19102024003118003196ID1108798213


EIN Presswire

Legal Disclaimer:
MENAFN provides the information “as is” without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the provider above.