(MENAFN- EIN Presswire)
PHILIPPINES, October 13 -
Press Release
October 13, 2024
SIRM: DOUBLE FARMERS' INCOME AND STOP THE EXODUS FROM OUR FARMS
"We have to restore Agriculture to profitability in order to bring Filipinos back to the countryside. Otherwise, with barely any farmers left, all our food may have to be imported by 2030," warned Senator Imee Marcos, raising concerns over the continued decline of agricultural workers.
To address this issue, Senator Marcos filed Senate Bill No. 1801, which aims to double farmers' income by consolidating farmlands, promoting contract farming, and developing agribusiness ventures.
The senator also proposed a bill to provide farmers registered in the Registry System for Basic Sectors in Agriculture with guaranteed income equivalent to the minimum wage in their respective regions.
"We are looking at ways in which the government can provide a guaranteed income for farmers. The government provides income support to various priority groups, so why can't we provide the same to our farmers?" she said.
Additionally, the senator revived the Kadiwa program, which allows farmers and fisherfolk to sell their products directly to consumers, reducing market prices. The program also provides trucks, boats, and refrigeration equipment to local government units and cooperatives.
Senator Marcos also highlighted the success of the Young Farmers Challenge (YFC) program, which has benefited 3,625 Filipinos since 2021 through smart farming, e-marketing, and export opportunities. "The YFC has reignited interest in agriculture," she said.
According to the Philippine Statistics Authority August 2024 data, while the unemployment rate fell to 4%, the agriculture and fisheries sectors lost 1.67 million workers since 2023. Moreover, 51 million Filipinos are experiencing food insecurity, based on a UN report.
"I refuse to give up on agriculture. There is hope in our farmers. They just need full government support," Marcos concluded.
SIRM: DOBLEHIN ANG KITA NG MAGSASAKA AT ITIGIL ANG PAG-ALIS SA SAKAHAN
"Ang agrikultura ay dapat maging kapaki-pakinabang muli upang maengganyo ang mga Pilipino na magtrabaho sa bukirin. Kung hindi, aasa tayo sa imported na pagkain pagsapit ng 2030," babala ni Senator Imee Marcos, na nagpahayag ng pag-aalala sa patuloy na pagbaba ng mga manggagawa sa agrikultura.
Upang matugunan ang isyung ito, inihain ni Senador Marcos ang Senate Bill No. 1801 upang madoble ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga sakahan, contract farming, at agribusiness ventures.
Layon din ng senadora na magpasa ng panukalang magbibigay sa mga magsasakang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ng tiyak na sahod na katumbas ng minimum wage sa kani-kanilang lugar.
"Naghahanap kami ng paraan kung paano makapagbigay ang gobyerno ng garantisadong kita sa mga magsasaka. Kung may suporta sa kita ang ibang sektor, bakit hindi natin gawin sa mga magsasaka?" aniya.
Binuhay din ng senadora ang Kadiwa program upang direktang maibenta sa mga mamimili ang produkto ng mga magsasaka at mangingisda, kaya bumababa ang presyo ng bilihin. Nagbibigay din ito ng mga trak, bangka, at refrigeration equipment sa LGU at kooperatiba.
Ibinida rin ni Sen. Marcos ang Young Farmers Challenge (YFC) program na nakatulong sa 3,625 na Pilipino mula 2021 sa pamamagitan ng smart farming, e-marketing, at export opportunities. "Ang YFC ay muling nagpasigla ng interes sa agrikultura," aniya.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong Agosto 2024, habang bumaba ang unemployment rate sa 4%, nawala naman ang 1.67 milyong manggagawa sa agrikultura at pangisdaan mula noong 2023. Dagdag pa rito, 51 milyong Pilipino ang nakakaranas ng kakulangan sa pagkain, ayon sa ulat ng UN.
"Hindi ko isusuko ang agrikultura. Nakikita ko ang pag-asa sa ating mga kabataang magsasaka, ngunit kailangan nila ng suporta mula sa gobyerno," diin ni Marcos.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability
for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this
article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
MENAFN13102024003118003196ID1108774325
Legal Disclaimer:
MENAFN provides the information “as is” without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the provider above.