(MENAFN- EIN Presswire)
PHILIPPINES, October 13 -
Press Release
October 13, 2024
Gatchalian seeks immediate, effective rollout of mother tongue use discontinuation
Now that the proposed discontinuation on the use of mother tongue as medium of instruction has lapsed into law, Senator Win Gatchalian is calling on the Department of Education (DepEd) to prioritize its effective and immediate rollout.
Republic Act No. 12027 discontinues the use of mother tongue as medium of instruction from Kindergarten to Grade 3, which was mandated by the Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) or the K to 12 Law. The medium of instruction shall revert to Filipino, and until otherwise provided by law, English, pursuant to Article XIV, Section 7 of the 1987 Constitution. The law further provides that regional languages shall serve as auxiliary media of instruction.
The principles of the Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) embodied in the K to 12 Law, however, may be applied in monolingual classes. The law defines a monolingual class as a group of learners who speak the same mother tongue and are enrolled in the same grade level in a given school year.
The use of mother tongue in monolingual classes must comply with the minimum requirements needed for MTB-MLE's effective implementation: an official orthography developed and published by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); officially documented vocabulary published by the KWF such as glossary, dictionary, encyclopedia, or thesaurus; literature on languages and culture, such as big books, small books, picture stories, or wordless picture books; grammar book; and availability of teachers in the school who speak and are trained to teach in the Mother Tongue.
A 2019 study by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) revealed that out of 16,287 schools surveyed, only 9% met these requirements for the good implementation of MTB-MLE.
"Malinaw sa naging karanasan ng ating mga mag-aaral at mga guro na hindi naging matagumpay ang pagpapatupad ng mother tongue sa ating mga paaralan. Malinaw din sa ating pag-aaral at pananaliksik na hindi akma ang paggamit ng Mother Tongue kung ang mga mag-aaral sa isang klase ay multilingual. Ngayon, mabibigyan na natin ang mga guro ng kalayaang gumamit ng wikang akma sa pangangailangan at sitwasyon ng mga mag-aaral," said Gatchalian.
He recalled that during the Senate Committee on Basic Education's review of the implementation of MTB-MLE, the studies presented on the use of mother tongue as medium of instruction were conducted in monolingual settings. These include the empirical Lingua Franca (1999-2002) and Lubuagan (1999-2011) studies.
Gatchalian: Paggamit sa mother tongue sa pagtuturo hindi na ipagpapatuloy
Ngayong mandato na ng batas na hindi ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang medium of instruction o wika ng pagtuturo, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang agaran at epektibong pagpapatupad nito.
Nakasaad sa Republic Act No. 12027 na hindi na ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3, bagay na iminandato ng Enhanced Basic Education Act of Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) o ang K to 12 Law. Babalik ang wika sa pagtuturo sa Filipino at Ingles, maliban na lang kung may ibang itatakda sa batas. Naaayon ito sa Article XIV, Section 7 ng 1987 Constitution. Gagamitin naman ang mga wika ng mga rehiyon bilang auxiliary media of instruction o mga katuwang na wika sa pagtuturo.
Maaari pa rin namang ipatupad sa mga monolingual classes ang mga prinsipyo ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) na nakasaad sa K to 12 Law. Ang monolingual class ay isang pangkat ng mga mag-aaral na gumagamit ng isang mother tongue at naka-enroll sa isang grade level sa isang school year.
Nakasaad din sa batas ang mga kondisyon para sa epektibong pagpapatupad ng MTB-MLE sa mga monolingual classes: opisyal na ortograpiya na ginawa at inilimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); opisyal na dokumentadong bokabularyo na inilimbag ng KWF tulad ng glossary, diksyunaryo, encyclopedia, o thesaurus; panitikan sa wika at kultura tulad ng mga big books, small books, picture stories, o wordless picture books; grammar book; at sapat na bilang ng mga guro sa paaralan na dalubhasa at may training sa pagtuturo ng Mother Tongue.
Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2019, 9% lamang sa 16,287 na paaralang na-survey ang nakasunod sa mga kondisyong ito para sa pagpapatupad ng MTB-MLE.
"Malinaw sa naging karanasan ng ating mga mag-aaral at mga guro na hindi naging matagumpay ang pagpapatupad ng mother tongue sa ating mga paaralan. Malinaw din sa ating pag-aaral at pananaliksik na hindi akma ang paggamit ng Mother Tongue kung ang mga mag-aaral sa isang klase ay multilingual. Ngayon, mabibigyan na natin ang mga guro ng kalayaang gumamit ng wikang akma sa pangangailangan at sitwasyon ng mga mag-aaral," ani Gatchalian.
Binalikan ng mambabatas na sa pagrepaso ng Senate Committee on Basic Education sa pagpapatupad ng MTB-MLE, sa mga kontekstong monolingual lamang ang mga naibahaging pag-aaral sa paggamit ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo. Kabilang dito ang mga Lingua Franca (1999-2002) at Lubuagan (1999-2011) studies.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability
for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this
article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
MENAFN12102024003118003196ID1108773246
Legal Disclaimer:
MENAFN provides the information “as is” without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the provider above.