Friday, 16 November 2018 11:50 GMT
img

Mga OFW, nasagip mula sa mga 'di katanggap tanggap na pamumuhay sa Denmark



(MENAFN - Asia Times)

Dalawampu't dalawnag mga Filipinong truck driver ay nasagip mula sa mga malungkot na kondisyon na pamumuhay sa bayan ng Padborg, Denmark.

Sinabi na ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang statement na ni-raid ng mga pulis ng Denmark ang lugar kung saan nananatili ang mga Filipino. Ayon sa DFA, 'unacceptable by any standard' ang paraan ng pamumuhay na ininda ng mga ito, iniulat ng ABS-CBN News.

The daily<> Must-reads from across Asia - directly to your inbox

Sinabi ng DFA sa Philippine Embassy ng Norway, na pinagsisilbihan rin ang Denmark, ay nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad sa Denmark noong mga nakaraang linggo bago masagip ang mga Filipino.

'Nakikipag-ugnayan na ang Embassy sa United Federation of Danish Workers, mga awtoridad ng Denmark, at iba pang mga contact sa oras na maipaalam ang sitwasyon ng mga driver sa Embassy', sabi ng DFA.

Lumipad na sa Denmark si Ambassador Jocelyn Batoon-Garcia upang tingnan ang sitwasyon at sisiguraduhin niya umano na itatrato nang makatao at may dignidad ang mga manggagawa. Ayon rin sa mga report, tutulungan rin ng embahada ang mga Filipino hanggang makapagbigay ng naaayon na solusyon sa problema.

Original: Filipino workers rescued from poor living conditions in Denmark

<> <> <> <> Tagalog Podcast Comments

MENAFN0811201801590000ID1097675567


Mga OFW, nasagip mula sa mga 'di katanggap tanggap na pamumuhay sa Denmark

  Most popular stories  

Day | Week | Month